Tayo Ba’y Nabubuhay Sa “Mga Huling Araw?”

time-bombAng mga pahayag na “mga katapusang araw” o “mga huling panahon” ay matatagpuan ng labing-siyam (19) na ulit sa King James Bible (KJV) – karamihan ay sa Lumang Tipan. Ayon sa Biblia, kailan ang mga panahong ito? Ang mga ito ba’y tumutukoy sa mga nalalabing panahon o taon bago bumalik si JesuCristo? Ito ba’y mga hinulaang tiyakang petsa (“specifically prophesied dates”)? O ang mga ito ba’y tumutukoy sa maraming pangyayaring magaganap pagkatapos na ang “mga huling araw” na hula ay naipahayag?

Madaling sabihin sa panahon ngayon na, “Ang ating daigdig ay isa nang nakakakilabot na lugar”. Walang pasubali na ang “mga huling araw o panahon” ay dapat na maipatungkol sa atin ngayon. Subalit marami ba sa mga mangangaral ng Biblia ang nagtuturo nito, o ang mga Kristiyanong naniniwala dito, ay hinahayaang lang kung kailan ito magkatotoo ito?

Matatandaan natin na maraming mangangaral at ministro ang nagsasabi na nabubuhay sila sa “mga huling araw” at ang ating daigdig ay babagsak sa loob lamang ng ilang taon. Itinuturo nila ang maraming sanhi, at mga bahagi (utang, moralidad, korapsyon, digmaan at lakas-militar, atbp.) At ang Amerika ay nasa higit na kaguluhan ngayon kaysa dati. Ipinipilit nila na ang “mga huling araw” ay nasa sa atin na.

Ang totoo, ang kasaysayan ng karamihang haka-haka sa mga hula ay laging ganito. Ang mga tao ay nagpapahayag na sila ang huling henerasyon ng darating na “katapusan ng daigdig”. Sumusulat sila ng mga aklat, nagbibigay ng mga paanyaya at hinihikayat ang maraming tao na nasa kanila “ang susi” sa propesiya o hula. Sa kasamaang-palad, halos lahat ng mga ito ay sala o mali – ang mga pangyayari (events) ay hindi nagaganap kung kailan at kung paano ang mga ito ay “dapat na maganap.”

Karaniwan sa mga nagtuturo ng propesiya (prophecy) ay kanilang iniuugnay ang mga pangyayari sa daigdig sa mga tiyakang hula. Binibigyang-kahulugan nila ang mga palatandaan (symbol), pinagsasama o pinagdudugtong ang mga taon at ginagawa nila lahat sa isang balangkas (framework) ng hula na manghihikayat sa marami na ang nangangaral ay “nakakaintindi ng propesiya o hula.”

Ang mga taong may kaunting paniniwala sa relihiyon ay maaaring makadama ng kawalang katiyakan sa hinaharap, kaya maaari silang “maging seryoso” at baguhin ang kanilang buhay sa sandaling marinig nila ang isang taong tila nakakaintindi sa masalimuot na hula sa Biblia. Nagiging dahilan ito upang sila’y tumigil sa paggawa ng kasalanan at magsimulang sumunod sa Panginoong Diyos – ito’y mabuti.

Subalit pagkatapos nito, sila ay aanib o sasapi sa isang simbahan o iglesia na nangangaral ng hula o propesiya, na maaaring magkaroon ng taliwas na bisa o epekto sa buhay. Ang propesiya ay hindi na nakakatulong sa kanila upang higit na baguhin ang kanilang pamumuhay, pinapaubaya na nila ito sa iglesiang kinakaaniban at nakakaintindi nito at alam kung kailan ito magaganap.

Ang kalagayan nang tao ay lalong sasama kung ang balangkas ng hula ay mabuksan at hindi ito maganap. Sa bahaging ito, ilang tao ang “nawawalan ng tiwala at susuko (give up) o tatalikod sa Panginoong Diyos” gayong walang siyang malay na siya ay nalinlang lamang ng bulaang taga-pagturo at maling hula.

Ano ang ating magagawa upang higit nating maintindihan ang hula mula sa mga Kasulatan? Una, higit tayong maging bukas at matapat sa ating sarili at tingnan o hanapin at isaalang-alang ang mga Kasulatan na hindi sumasangayon o sumasalungat sa ating mga sariling palapalagay.

Ang ilang tao ay maaaring isipin na ang taliwas na mga pananaw ay “kaguluhan” o “kakulangan sa pananampalataya.” Kung ang Dakilang Diyos ang maliwanag na nagsabi, samakatuwid ang paghahanap ng mga kasulatan na sumasalungat sa Kanya ay kakulangan sa pananalig.

Ikalawa, maaari nating pag-aralan ang Bagong Tipan at tingnan kung paanong ang mga may-akda ay sumangguni sa Lumang Tipan. Ang lathalaing ito ay hindi masasakop ang lahat na maaari nating pag-aralan, ngunit ituon natin sa mga katagang “mga huling araw”.

Datapuwat ito’y iyong sinabi na sa pamamagitan ng propeta Joel: At mangyayari na sa mga huling araw, sabi ng Diyos, na ibubuhos Ko ang Aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay mangaghuhula, at ang inyong mga binata ay mangakakita ng mga pangitain, at ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip” (Gawa 2: 16-17).

Si Pedro ay tuwirang inulit ang Joel 2:28. Pansinin na itinatag ang dalawang bagay sa siping ito.

1] Si Pedro ay ginagamit ang siping ito sa Joel sa kanyang sariling panahon, na nangangahulugan na itinuturing niya na “ang mga huling araw” ay kasama ang kanilang sariling panahon. Oo, nalalaman natin na maaaring magkaroon ng “dalawang katuparan” at maaaring tinutukoy ni Pedro ang “nakaraang mga huling araw”, at ang kasulatan ay buong-buo na magaganap sa “mga huling pangwakas na araw” (later last days).

Gayon pa man, walang sinabi si Pedro tungkol dito sa “paunang katuparan” o dili kaya’y gumagawa siya ng paghihiwalay (exception) sa ilang “tuntunin ng hula” (prophetic rule). Maliwanag na nakita niya na ang “mga huling araw” ay hindi nangangahulugan ng ilang tiyak na panahon bago pa ang wakas, kundi isinama niya ang kanyang panahon – na kasama sa “simula” ng “mga huling araw” sa kanilang pagkakaugnay sa propesiya o hula ni Joel.

2] Maaari tayong gumawa ng pagdudugtong o pag-uugnay ng Joel 2:28 sa Lumang Tipan ukol sa “mga huling araw” sa Hebreo sa Bagong Tipan. Ang sumulat ng Mga Gawa (Acts) ay maaaring gumamit ng katumbas na pananalita upang isalin ang mga kataga sa Joel. Ito ay magpapahintulot (allow) sa atin upang hanapin ang ibang mga mapapagsanggunian sa Bagong Tipan tungkol sa “mga huling araw” na gumamit ng katulad na mga salita sa Griyego.

Ang Diyos, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, ay nagsalita sa ating sa MGA HULING ARAW na ito sa pamamagitan ng Kanyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman Niya’y ginawa ang sanlibutan (Hebreo 1:1-2).

Dito, ang may-akda ng Hebreo at tumutukoy sa kanyang panahon na kasama sa “mga huling araw”. Ang katagang sa “huli” isa ay “eschatos” (mula sa parehong ugat (root) na pinanggalingan ng katagang “Eschatology” – ang pag-aaral ng “mga huling araw”). Ipinaliwanag ng Strong’s Concordonance ito na “pinakamalayo, panghuli (ng pook o lugar at panahon)”.

Ang kataga sa “araw” (day) ay hemera sa bawat talata – nangangahulugan ng literal na 24 oras na araw o pangkalahatang panahon (e.g. “Ito ay araw ng kasaganaan.”).

Magsiparito ngayon, kayong mayayaman, kayo’y magsitangis at magsihagulgol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo’y darating. Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang inyong mga damit ay nginangatngat ng daga. Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. Kayo’y magtipon ng inyong mga kayamanan sa mga huling araw” (Santiago 5:1-3).

Gayon din, ang Apostol Pablo ay tila tumutukoy sa kanyang panahon ng “mga huling araw”.

Datapuwat alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagkat ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan. Walang katutubong pag-ibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti. Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kaysa mga maibigin sa Diyos; na may anyo ng kabanalan, datapuwat tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Timoteo 3:1-5).

Maaaring ipahayag ng iba na ito ay hulang salita lamang ni Pablo para sa ilang tao 2000 (dalawang libo) taon makaraang ito’y kanyang isulat. Ngunit kung tingnan mo ang nasasaad, napakaliwanag na tinutukoy niya ang mga tao sa kanyang panahon at nagbibigay siya ng payo.

Kung ito ay magaganap makaraan ang ilang daang taon pa, bakit nagsimula si Pablo sa pagsasabi sa kanila na “alamin mo ito: at winakasan sa pagsasabing “lumayo ka rin naman sa mga ito” sa mga taong kanyang inilarawan? Kung ito ay hula sa hinaharap, hindi ba dapat na bigyang-diin niya na isulat nila ito at itabi upang ang iba ay maalaala ito kapag nangyari na?

Hindi nito itinatanggi ang pagkaintindi na mayroon talagang “mga huling pangwakas na araw” (“later last days”), subalit iniuugnay namin na, totoo, at maaari na ang “mga huling araw”, sa paningin ng Pangioong Diyos, ay nagsimula sa unang siglo (first century). Ano kaya’t gamitin natin ang “isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon” (II Pedro 3:8) na panuntunan at ihambing sa 7000 – taon na plano ng Panginoong Diyos (ang araw ng Sabbath ay kumakatawan sa Sanlibong Taon na Kaharian ni JesuCristo)? Ang 5,6, at 7 na mga araw (Milenya 5,6, at 7 – mula sa kapanganakan ni JeusCristo hanggang sa pagwawakas ng Sanlibong Taon Kaharian) ay tatlong “mga huling araw”.

Hindi namin iminumungkahi ‘yan na isang mahigpit (o iron clad) na katotohanan ng Kasulatan, subalit iniisip namin na ang talagang kamalian ay nagawa sa pag-aakala na alam natin lahat ang “pormula” ng Panginoong Diyos at ang tanging gawin na lang natin ay maglagay ng ilang petsa at mga pangalan at mabubuksan natin ang kodigo o mensahe na tinakpan ni Daniel.

Hindi namin iminumungkahi na ang mga tao ay tumigil sa pag-aaral ng hula. Lahat tayo ay naghahangad na malaman ang mensahe. Ipinahihiwatig lang namin na tumigil tayong lahat sa pagsama sa mga ranggo o hanay ng milyon na mga Kristiyano sa buong kasaysayan na inaakalang naiintindihan nila ang hula ngunit hindi naman. Kailangang hilingin natin sa Makapangyarihang Diyos ang pang-unawa sa mga hula sa panahong talagang kailangan natin.

Naiintindihan ni Pedro ang pagbuhos ng Banal na Espiritu mula sa Joel 2:28 at ginamit sa kanyang panahon – kahit pa ang mga sumunod na taludtod o talata (verse) na tulad ng pagdilim ng araw at naging parang dugo ang buwan ay hindi naganap sa kanyang kapanahunan.

Halos lahat ng Bagong Tipan ay isinulat bago nawasak ang bayan ng mga Hudyo noong 68 hanggang 70 A.D. Ang ilan ay maaaring isinulat ilang taon bago pa iyon. Napakaraming puna tungkol sa mahirap na kalagayan ng kanilang pamumuhay subalit ang Bagong Tipan ay walang nilalamang mga palagay sa hula tungkol sa oras ng pagkawasak ng Jerusalem (o ang taon na maaaring bumalik si JesuCristo).

Gayon pa man, ipinakikita ng kasaysayan na napakaraming tumakas sa Jerusalem nang ito’y palibutan ng mga hukbo ilang taon bago ito bumagsak. Marami marahil ang nakaalala sa mga salita ni JeusCristo at alam nilang ito’y patungkol sa kanila, nang panahong iyon.

"Datapuwat kapag nakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, dapat ninyong malaman na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na”(Lukas 21:20).

Tunay na ang Panginoong Diyos ay walang gagawin, kundi Kanyang ihahayag ang Kanyang lihim sa Kanyang mga lingkod na mga propeta (Amos 3:7).

Ang pahayag na ito ay dapat paniwalaan. Napakaraming mga nagtuturo ng propesiya o hula ang umuulit nito. Ngunit hindi nangangahulugan na lahat ng nagpapaliwanag ng propesiya ay propeta o alagad ng Banal na Diyos. Kung titingnan natin ang nakaraan, tila baga ang pahayag na ito ay nagpapatunay na napakaraming samahan ng mga iglesia at WALA kahit ano ng “Kanyang lingkod na mga propeta”.

Ilan sa mga pinuno ng mga iglesia ang nagpahayag ng tulad nito, “Ang Diyos ay ipinakita sa akin na malapit na akong mamatay at ang taong aking hinirang ay lalansagin ang karamihan ng mga itinuro ko?”

Gaano karami ang nagsabi na “Ang Diyos ay ipinamalas sa akin na ang aking grupo (o pangkat) ay magkakaroon ng malaking pagkakahati?” O ang pinuno ay “nagpahayag” ng pagkakaisa bago nagkawatak-watak ang kanyang pangkat? Ilang pinuno ng iglesia ang nagsabing “Ang Diyos ay ipinakita sa akin na patatalsikin ako ng aking grupo.” Sinong tao ngayon ang maliwanag na humuhula ng mga pangunahing pangyayari sa daigdig at laging tama?

Ang layunin ng lathalaing ito ay hindi upang pigilin ang sinuman sa kanyang matamang pag-aaral ng hula o sa pagbabasa ng mga aklat at pakikinig sa mga mensahe ng mga nagtuturo ng hula. Ang layunin ay upang tulungan ang bawat isa sa atin upang HINDI maging bahagi ng “problema sa propesiya” sa pamamagitan ng matigas na paggigiit ng mga kahulugan ng hula na hindi ibinigay sa atin ng Panginoong Diyos.

Maliwanag na kailangan nating basahin ang mga bahagi ng hula sa Biblia upang mabatid natin ang kanilang sinasabi. Kailangang makita natin nang maliwanag na ang kasamaan ay maparurusahan, ang mabuti ay magagantimpalaan at ang Banal na Diyos ang hahatol sa bawat isa.

Subalit sa halip na aksayahin o gamitin ang daan-daang oras sa mga bilang, mga taon, mga sagisag at pagkakilanlang pambansa (national identity), marahil dapat nating gugulin ang higit na maraming oras sa panalangin, at hilingin sa Panginoong Diyos na ipakita sa atin ang kailangan nating maunawaan. Ganito ang ginawa nina Jose at Daniel (Genesis 40:8; Daniel 2:28).

Marahil ay kailangan din nating gugulin ang ating panahon upang maging katulad ng mapagpakumba-bang lingkod na pagpapakitaan ng Banal na Diyos ng Kanyang mga lihim.

Ano ang mangyayari kung ang Panginoon ay ipakikita sa atin ang kahulugan ng mga hulang ito? Kung magkaganoon ay sadyang hindi natin malalaman – at makabubuti ito sa atin kaysa napakaraming mga tao na nag-aakalang naiintindihan nila ang hula, ngunit ang pinaniniwalaan ay walang katotohanan. Kung “ang wakas” ay hindi darating sa ating panahon, dapat ba nating malaman kung kailan ito darating?

Marahil ang ilan sa atin ang nakatagpo na ng mga taong na hindi ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo, o mga adhikain, hindi bumili ng bahay, hindi nag-asawa, hindi nag-impok sa kanilang pagreretiro, at maraming hindi ginawa sapagkat iniisip nila na nabubuhay sila sa “mga huling araw”. Halos lahat ng tao na nagkamali ay nagawa ito dahil sa sarili o sa ibang taong may “pag-aaral sa hula” – subalit hindi dahil sa naniniwala sila na tuwirang ipinahayag ng Panginoon ito sa kanila.

Huwag kayong magkamali ng pag-unawa sa amin. Hindi namin sinasabing “marami pang dekada bago dumating si JesuCristo”. Ang kalagayang pandaigdig, mula sa pananaw na pampulitika at pangkasaysayan, ay maaaring kasing mapanganib ng alin mang panahon sa kasalukuyan.

Ang sanlibutan ay napakaraming masamang pinuno na itinataguyod ang pansariling kapakanan. Ang mga sandatang pamuksa ay maaaring mabili ng sino mang may salapi. Ang “kapahamakang pandaigdig” ay maaaring maganap ano mang sandali or oras. Subalit ang Panginoon ay maaaring pigilin ito at hayaan tayong mamuhay nang tahimik sa ano mang bilang ng mga karagdagang taon.

Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo iniisip. Sino nga baga ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan, upang sila’y bigyan ng pagkain sa kapanahunan? Mapalad yaong aliping kung dumating ang kanyang panginoon at maratnan siyang gayon ang kanyang ginagawa. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kanya’y ipagkakatiwala ang lahat Niyang pag-aari”(Mateo 24: 44-47).

 

--------------

Ang lathalaing ito ay ipinapamahagi sa pakikipagtulungan ng Church of God at Imus City, Cavite 183 Greenfield Subdivision Bayan Luma II, Imus City, Cavite

You are here: Home Filipino Writings/Publications Tayo Ba’y Nabubuhay Sa “Mga Huling Araw?”