Ano at Saan ang Tunay na Iglesia ng Diyos?

ano-iglesiaMahigit sa dalawang libong pangkat o sekta ng relihiyon ang umiiral ngayon sa buong mundo. Ang mga sektang ito ay kilala at mga nakatala, hindi pa kasama dito ang mga hindi nakatala. Ilan sa mga ito ay nagtataglay ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng Panginoong Diyos sa kanilang organisasyon.

Ang bawat sekta ay may kanya-kanyang sambahan na kung tawagin ay church, gusali o building. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng simbahan o “church” ayon sa sinasabi sa Banal na Kasulatan?

Dapat din natin bigyan ng pansin ang mga pagpapahayag ng mga sektang ito na nasa kanila ang katotohanan, tamang sistema o pamamaraan ng paniniwala at pagsamba. Nag-aakusa din ang iba na ang anumang labas sa kanilang paniniwalang pang-organisasyon ay isang "kulto" (cult).

May mga sekta na nagsasabi na kahit magkaiba ang kanilang paniniwala ay dapat magturingan pa rin na magkakapatid, at mayroon naman na nagsasabi na hindi maaaring ibilang na kapatid ang magkaiba ng paniniwala...Basahin ang buong pagpapaliwanag na ito at mag-download ng libre sa sumusunod na link: Ano at Saan ang Tunay na Iglesia?

You are here: Home Filipino Writings/Publications Ano at Saan ang Tunay na Iglesia ng Diyos?